Naniniwala ang Pinay boxer at Olympic bronze medalist na si Aira Villegas na ipaglalaban ng mga boxing organization sa buong mundo na mapasama pa rin ang boxing sa 2028 LA olympics.
Matatandaan na hindi pa isinama ang boxing sa official competition para sa 2028 Olympics at sa susunod na taon pa madedesisyunan.
Ito’y matapos alisan ng pagkilala ang International Boxing Association (IBA) dahil sa kabiguan na magpatupad ng reporma sa pamamahala at pananalapi.
Matapos namang manalo sa Olympics nais ni Villegas na makasama muna ang kaniyang pamilya.
Ilang taong din kasi aniya siyang hindi nakauwi dahil sa training.
Sunod naman aniya niyang paghahandaan ang SEA Games.
Ganito rin ang paniwala ng kapwa niya boksingero at isa pang bronze medalist na si Nesthy Petecio.
Ayon kay Petecio tiwala siya na itutulak pa rin ang pagkakaroon ng boxing sa susunod na Olympics lalo na aniya at maraming boxers ang US team.
Tuloy-tuloy naman sa paglaban si Petecio hanggang sa makakuha aniya siya ng ginto. | ulat ni Kathleen Jean Forbes