Nagkaisa ngayon ang iba’t-ibang kasapi ng local hog industry, allied sectors at ang Quezon City government para pawiin ang agam-agam ng publiko sa pagkain ng baboy dahil sa banta ng ASF.
Sa isang pahayag, ipinunto ng grupo na ligtas, walang peligro sa pagkain ng baboy at wala ring dalang panganib sa tao ang ASF.
Ginawa ng grupo ang pahayag kasunod ng pagbaba ng demand sa baboy dahil sa pagiwas ng mamimili sa pagkonsumo nito.
Ayon sa grupo, marami na ang naluluging mga magbababoy, mga tindera at palengke at maging restaurants at karinderia dahil sa pangamba ng tao sa baboy.
Punto ni Afred Ng, Vice-Chairman ng National Federation of Hog Raisers or NFHFI, ang tanging binabantayan lamang ngayon ay ang pagkalat ng ASF sa iba pang probinsya.
Ayon pa kay Mayor Joy Belmonte, walang ASF sa QC dahil bawal ang piggery at poultry sa lungsod.
Nagtayo na rin ng ASF checkpoints sa ilang lugar sa Quezon City na layong maiwasan ang pagkahawa ng baboy sa mga lugar na walang ASF.
Payo lamang ng grupo tuwing mamimili, hanapin lang ang tatak ng veterinary certificate mula sa NMIS o city vets. | ulat ni Merry Ann Bastasa