Inatasan ng Korte Suprema ang Commission on Elections na itigil ang plebisito para sa paglikha ng tatlong bagong bayan sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).
Ayon kay Supreme Court Spokesperson Atty. Camille Ting, ito ay matapos na ideklara ng SC na labag sa Saligang Batas ang Section 5 sa Bangsamoro Autonomy Act Nos. 53, 54,
at 55.
Alinsunod sa nasabing probisyon ang mga kuwalipikadong botante lang sa mga barangay sa mga bagong munisipalidad ang boboto sa plebisito.
Sa ruling ng Korte Suprema dapat ang mga kuwalipikadong botante sa mga parehong bago at pinanggalingan munisipalidad ay kasama sa plebisito.
Hindi rin daw inamyendahan sa ilalim ng bagong batas ang mga lilikhain na mga bagong munisipalidad lalo na ang mga kwalipikado para sa plebisito. | ulat ni Mike Rogas