PMA Entrance Examination naka-schedule ngayong Agosto at Setyembre

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inanunsyo ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na nakatakdang isagawa ang Philippine Military Academy (PMA) Entrance Examination sa 46 na testing center sa buong bansa, ngayong Agosto at Setyembre.

Base sa skedyul na inaprubahan ni PMA Superintendent Vice Admiral Caesar Bernard Vaelencia, mauuna sa August 10-11, ang pagsusulit sa 15 Examination Center sa Mindanao.

Sa August 24-25 naman ang pagsusulit sa 10 Examination Center sa Visayas at Region 5; sa September 7-8 naman sa siyam na Examination Center sa National Capital Region (NCR) at Region 4A at 4B; at sa September 21-22 naman sa 12 Examination Center sa Central at North Luzon.

Ang PMA Entrance Exam ay bukas sa lahat ng kuwalipikadong aplikante na nag-apply online, at maging sa mga walk-in na direktang mag-a-apply sa mga testing center sa araw ng pagsusulit na kumpleto sa requirements.

Para sa karagdagang impormasyon, maaring bisitahin ang PMA website sa https://www.pma.edu.ph.  | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us