PNP Chief, nanawagan sa mga suporter ni Quiboloy na galangin ang batas

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nanawagan si Philippine National Police (PNP) Chief Police General Rommel Francisco Marbil sa mga taga-suporta ni Pastor Apollo Quiboloy na galangin ang batas at kumbinsihin ang kanilang lider na harapin nalang ang mga akusasyon laban sa kanya.

Kasabay nito, pinaalalahanan ng PNP chief ang mga political backer ni Quiboloy na ang pagkakanlong ng isang pugante ay seryosong paglabag sa batas.

Pinaalalahanan din ni Marbil ang mga miyembro ng Kingdom of Jesus Christ, na ang kanilang mga kilos ay dapat nakaayon sa mga turo ng Bibliya, na nagtuturo ng paggalang at pagsunod sa mga awtoridad.

Nauna nang tiniyak ng PNP chief ang kaligtasan ni Quiboloy sakaling magdesisyon itong sumuko.

Naniniwala rin ang opisyal na nasa loob lamang ng KOJC compound si Quiboloy kasama ang apat pang kapwa akusado base na rin sa mga natatanggap nilang impormasyon. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us