PNP, di aalis sa KOJC compound — DILG

Facebook
Twitter
LinkedIn

Hindi pa rin ititigil ng Philippine National Police (PNP) ang pagsisilbi ng Warrant of Arrest laban kay Kingdom of Jesus Christ Founder Pastor Apollo Quiboloy.

Sa isang pahayag, sinabi ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na kinikilala nito ang inilabas na Temporary Protection Order (TPO) ng Davao Regional Trial Court Branch 15 kaugnay ng kamakailang operasyon ng Pulisya sa KOJC compound sa Davao City.

Ayon sa DILG, susunod ang mga pulis sa utos ng korte partikular na ang pag-alis sa mga harang at barikada sa naturang compound.

Gayunman, malinaw na walang umanong direktang utos ang korte sa PNP na lisanin ang KOJC premises o itigil ang pagpapatupad ng mga Warrants of Arrest.

Dahil dito, ipagpapatuloy lang ng PNP ang kanilang tungkulin na ihain ang Warrants of Arrest laban kay Quiboloy at sa kanyang mga kasamang akusado.

Kaugnay nito, hihingi rin umano ng paglilinaw ang DILG mula sa RTC Branch 15, dahil ang mga operasyon ng pulis ay utos din na galing sa korte. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us