PNP, hihingi ng klaripikasyon sa Temporary Protection Order ng Davao RTC sa KOJC

Facebook
Twitter
LinkedIn

Maghahain ang Philippine National Police (PNP) ng Petition for Clarification sa Davao  City Regional Trial Court matapos maglabas ang hukuman ng Temporary Protection Order sa Kingdom of Jesus Christ (KOJC).

Ito ang inihayag ni PNP Public Information Office Chief Police Col. Jean Fajardo, kasabay ng paglilinaw na ang kautusan ng korte ay walang sinasabi ukol sa pagpapahinto ng pagsisilbi ng Warrant of Arrest kay Apollo Quiboloy at apat pang kapwa akusado nito.

Binigyang-diin ni Fajardo na nakasaad lang sa Protection Order na dapat tanggalin ng PNP ang mga mga harang at barikada sa KOJC compound at hindi lisanin ang compound.

Sinabi ni Fajardo na magpapapatuloy ang paghahanap ng PNP kay Quiboloy sa loob ng compound hanggang sa maisilbi sa kanya ang Arrest Warrant.

Dumating na rin ang augmentation team mula sa iba pang Police Regional Offices para humalili sa mga pulis na nauna nang nai-deploy sa lugar.  | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us