PNP, inaaral na gawing 1 is to 250 ang police to population ratio sa highly urbanized areas

Facebook
Twitter
LinkedIn

Magsasagawa ng pag-aaral ang Philippine National Police (PNP) upang mabago ang police to population ratio sa highly urbanized areas.

Sa pagtalakay ng Kamara sa panukalang 2025 budget ng Department of the Interior and Local Government (DILG) kung saan nakapaloob ang PNP, natanong ni Baguio Representative Mark Go kung ilan pa ang bakanteng posisyon sa pambansang pulisya na kailangan punan para makamit ang kasalukuyang 1 is to 500 na police to population ratio.

Sagot ni PNP Chief Rommel Marbil, mayroon pang kulang na 11,000 uniformed police personnel position.

Sa kasalukuyan mayroon na aniyang 215,755 na mga pulis.

Sabi naman ni Go, na oras na makamit ang sapat na bilang ng pulis ay maaaring ikonsidera ng PNP na magkaroon ng adjustment lalo na sa mga lugar kung saan may mas mataas na populasyon gaya ng Metro Manila, Baguio City at Davao City.

Sinang-ayunan naman ito ni Marbil, katunayan ang direksyon aniya na kanilang tinitingnan ay magkaroon ng 1 is to 250 police to population ratio sa highly urbanized areas.

Samantala, mayroon naman aniyang 1,463 na pulis ang nasa police personnel protective duty na nagbabantay sa may 578 na high-threat individuals. | ulat ni Kathleen Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us