PNP, ipagpapatuloy ang pagsisilbi ng arrest warrant laban kay Apollo Quiboloy — DILG

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nanindigan si Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos na hindi titigil ang Philippine National Police (PNP) sa kanilang ligal na tungkulin na magsilbi ng warrant of arrest laban kay Pastor Apollo Quiboloy.

Sa isang pahayag, sinabi ng kalihim na batay sa intelligence report ay nasa loob pa rin ng 30 ektaryang Kingdom of Jesus Christ (KOJC) compound si Quiboloy.

Nananatili naman aniya ang maximum tolerance o ang pinakamataas na antas ng pagpapasensya at paggalang sa karapatang-pantao sa hanay ng Kapulisan.

Kaugnay nito, muling nanawagan ang DILG kay Quiboloy at sa kanyang mga kasamahan na nasampahan ng kaso na kusang loob na sumuko upang harapin sa korte ang mga paratang laban sa kanya.

Giit ni Sec. Abalos, ang pagsuko ni Quiboloy ang tanging paraan upang maipakita niya ang kanyang paggalang sa batas.

“Ang aming pangako na mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa ating mga komunidad ay mananatiling matatag. Hinihikayat ko ang publiko na manatiling kalmado at hayaan ang ligal na proseso ang umiral,” ani Abalos. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us