Naka-alerto ang Philippine National Police (PNP) para tiyaking ligtas ang mga atletang sumabak sa 2024 Paris Olympics.
Ito ang tinuran ni PNP Public Information Office Chief, Police Col. Jean Fajardo kasunod ng nakatakdang pagbabalik bansa ng mga nasabing atleta.
Ayon kay Fajardo, may inilatag nang security plan ang National Capital Region Police Office (NCRPO) para dito.
Tiniyak naman ng PNP na may sapat silang tauhan para magbigay seguridad sa mga atleta partikular na sa isasagawang parada bukas.
Nabatid na alas-5 mamayang hapon nakatakdang lumapag sa Villamore Airbase ang eroplanong sasakyan ng mga atleta at saka sila didiretso sa Malacañang.
Una nang nagpaabot ng kanilang pagbati at suporta ang PNP sa mga atletang lumahok sa Olympics gayundin ay nakikiisa sila sa sambayanan sa pagbibigay pugay sa mga ito. | ulat ni Jaymark Dagala