Binigyang pugay ng Philippine Olympics Committee (POC) ang 22 atletang Pilipino na lumahok sa katatapos pa lamang na 2024 Paris Olympics.
Sa inilabas na pahayag, binigyang diin ng POC na ang paglahok ng PIlipinas ay pagpapakita ng kahusayan ng mga Pilipino sa larangan ng palakasan.
Nagpaabot din ng pagbati ang POC kina double Gold medalist na si Carlos Yulo gayundin sa mga Bronze medalist na sina Aira Villegas at Nesty Petecho.
Ang kanilang tagumpay ay magsisilbing inspirasyon para sa mga kabataan na magpursigeng abutin ang kanilang pangarap sa buhay.
Nakatakdang magbalik bansa bukas, Agosto a-13 ang mga atletang sumabak sa Olympics kung saan, nakatakda silang dumiretso sa Palasyo ng Malacañang. | ulat ni Jaymark Dagala