Police Assistance Desks, nakatalaga na sa mga istasyon ng MRT-3

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inanunsyo ng MRT-3 management na may mga nakatalaga nang Police outpost o Police Assistance Desk sa mga istasyon ng MRT-3 na maaaring lapitan ng mga pasahero para sa anumang security concern.

Matatandaang nakipagpulong noong nakaraang linggo si Department of Transportation (DOTr) Assistant Secretary for Railways at MRT-3 Officer-in-Charge Jorjette Aquino sa mga opisyal ng National Capital Region Police Office (NCRPO) kaugnay ng pagde-deploy ng mas maraming uniformed personnel sa rail sector.

Kasunod ito ng napaulat na higit sa 80 krimen ang naitala sa mga tren gaya ng MRT at LRT mula 2023 hanggang 2024 kabilang ang mga insidente ng sexual harrassment at pandurukot.

Sa ngayon, may mga nagpapatrolya nang mga pulis at security personnel ng MRT-3 upang matiyak ang seguridad sa linya.

Katuwang din ng mga uniformed personnel, handa rin aniya ang mga kawani ng MRT-3 na umagapay sa mga pasahero para matiyak ang maayos, at ligtas na biyahe.

Pinapayuhan naman ang mga pasahero na palaging maging alerto at ipagbigay-alam lamang sa mga Police outpost o security personnel ng MRT-3 ang anumang kahina-hinalang bagay na kanilang mamamataan.  | ulat ni Merry Ann Bastasa

📸: MRT-3

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us