Pondo ng DFA, pinadaragdagan ng P5 bilyon

Facebook
Twitter
LinkedIn

Isinusulong ni Cagayan de Oro Representative Rufus Rodriguez na madagdagan ang pondo ng Department of Foreign Affairs (DFA).

Sa naging budget briefing ng ahensya sa Kamara itinulak ni Rodriguez na madagdagan ng P5 billion ang panukalang 2025 budget ng ahensya na nasa P27.4 billion para maging P32.4 billion.

Maaari aniya itong gamitin para sa mga hakbangin upang depensahan ang territorial integrity at sovereignty ng Pilipinas sa West Philippine Sea (WPS), lalo na at nagiging agresibo ang China sa panghihimasok sa ating teritoryo.

Malaking tulong din aniya ang dagdag pondo para pantulong sa mga overseas Filipinos at iba pang Pilipino abroad na nasa distressed situations, lalo na sa mga nasa Middle East at mga bansa na may security issues.

Pinuri at pinasalamatan naman ng Mindanao solon ang DFA at si Secretary Enrique Manalo sa patuloy na paggiit ng ating sovereign rights sa West Philippine Sea at exclusive economic zone salig sa UNCLOS.

Kinilala din ng mambabatas ang posisyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa paggiit ng ating karapatan sa disputed areas at ang pagpapalakas sa ating military alliance kasama ang US, Japan, Canada, Australia at iba pa. | ulat ni Kathleen Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us