Tiniyak ni Agriculture Sec. Kiko Laurel ang suporta nito sa kampanya ng mga magbababoy sa Pilipinas na ipaalam sa publiko na ligtas na kainin ang baboy sa bansa.
Sa ginawang “pork is safe” lechon chopping event sa Pasay ay kinilala ni Laurel na ang pork industry sa bansa ay isang haligi ng sektor ng agrikultura.
Dahil dito ay marapat aniyang tulungan ito at sama-samang solusyunan ang anumang problemang kinakaharap nito.
Matatandaang matagal nang inaaray ng mga magbababoy sa Pilipinas ang problema sa African Swine Fever na nagresulta sa mahinang benta at pagkalugi ng ilang mga negosyante. | ulat ni Lorenz Tanjoco