Sa gitna ng nararanasang mga pag-ulan na dulot ng habagat, nakahanda na Philippine Red Cross (PRC) at ang kanilang mga chapter para sa anumang sakuna o kalamidad na maaaring idulot nito.
Ayon sa PRC, binabantayan na ng kanilang mga chapter 24/7 ang sitwasyon habang inihahanda na rin ang kanilang mga kagamitan para sa posibleng rescue operations.
Ipinaalala rin ng PRC ang kahalagahan ng pagkakaroon ng go-bag na madadala sa panahon ng sakuna at kalamidad.
Nanawagan naman ang PRC sa publiko na manatiling mapagbantay at naka-alerto sa sitwasyon.| ulat ni Diane Lear