Presumption of innocence, paiiralin pa rin ng DOJ kina Cassandra Li Ong at Sheila Guo

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tiniyak ng Department of Justice (DOJ) na mananatiling inosente sina Sheila Guo at Cassandra Li Ong kahit pa hawak na sila ng Bureau of Immigration (BI).

Ayon kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulla, korte lamang ang maaaring magsabi na guilty ang mga ito sa maaaring kaso na kanilang kakaharapin.

Sa ngayon, tanging ang paglabag lamang sa Immigration Law ang nakikita ng DOJ na maaaring maisampa laban kina Guo at Ong.

Pero hindi agad ito maisasalang sa inquest proceedings dahil hindi pa natatapos ng Bureau of Immigration ang mga datos para sa ihahain na kaso.

Nananatili ngayon sa detention cell ng BI sina Guo at Ong dahil hinihintay pa ng DOJ ang magiging desisyon ng Senado at Kamara dahil sa pending warrant of arrest na inisyu laban sa kanila.

Ang dalawa ay naipa-deport kahapon mula Indonesia matapos silang naharang sa Airport patungong Malaysia. | ulat ni Mike Rogas

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us