Presyo ng baboy sa Pasig City Mega Market, patuloy sa pagbaba dulot pa rin ng epekto ng ASF

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nananatiling matumal ang bentahan ng karne ng baboy sa Pasig City Mega Market dulot pa rin ng takot sa African Swine Fever (ASF) dahilan upang bumaba pa ang presyo nito.

Sa pag-iikot ng Radyo Pilipinas, ₱10 ang ibinaba ng presyo ng baboy gaya ng kasim na nasa ₱310 na ngayon mula sa dating ₱320 habang ang liempo ay nasa ₱370 na ngayon mula sa dating ₱380 ang kada kilo.

Dahil dito, lumilipat ang mga mamimili sa manok na siya namang dahilan ng pagtaas ng presyo nito dahil sa kinakapos na suplay.

Ang whole dressed chicken halimbawa ay nagkakahalaga na ₱220 ang kada kilo mula sa dating ₱200 haggang ₱210 ang kada kilo, habang ang choice cuts ay nasa ₱230 mula sa dating ₱210 hanggang ₱220.

Nananatili namang mataaas ang presyo ng isda gaya ng galunggong na nasa ₱200 hanggang ₱240 ang kada kilo, bangus na nasa ₱200 hanggang ₱220 ang kada kilo, at ang tilapia ay nasa ₱120 hanggang ₱130 ang kada kilo.

Good news naman dahil murang-mura ang kamatis na nasa ₱60 ang kada kilo habang nananatili namang mahal ang iba pang panahog gaya ng luya na nasa ₱150 ang kada kilo, sibuyas na nasa ₱120 ang kada kilo, at bawang na nasa ₱140 ang kada kilo.

Narito pa ang presyo ng iba pang gulay:

Carrots – ₱120
Patatas – ₱100
Talong – ₱90
Ampalaya – ₱80
Repolyo – ₱50
Pechay Baguio – ₱50

| ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us