Presyo ng bigas, bangus, luya, asukal, bumaba sa unang bahagi ng Agosto — PSA

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagkaroon ng pagbaba sa presyo ng ilang pangunahing bilihin sa bansa partikular ng agricultural commodities sa unang bahagi ng Agosto batay sa pinakahuling monitoring ng Philippine Statistics Authority (PSA).

Kabilang rito ang presyo ng bigas, bangus, luya, at refined sugar.

Ayon sa PSA, bahagya nang bumaba sa ₱64.08 ang presyo ng kada kilo ng special rice nitong unang bahagi ng Agosto.

Nasa tatlong piso naman ang ibinaba ng presyo ng bangus na nasa ₱204.93 ang kada kilo mula sa ₱207.08 na kada kilo sa unang bahagi ng Hulyo.

Malaki rin ang ibinaba sa presyo ng luya na mula sa ₱210 ang kada kilo noong Hulyo ay nagkakahalaga nalang ng ₱202.05 sa unang phase ng Agosto.

Habang ang asukal ay bumaba rin sa ₱86.11 ang average retail price.

Samantala, tumaas naman ang presyo ng itlog at carrots sa unang bahagi ng Agosto. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us