Nagkaroon ng paggalaw sa presyo ng ilang produktong agrikultural sa Pasig City Mega Market.
Sa pag-iikot ng Radyo Pilipinas, bahagyang bumaba ang presyo ng manok na nasa ₱190 mula sa dating ₱200 kada kilo.
Wala namang paggalaw sa presyo ng baboy kung saan, ₱320 ang kada kilo ng kasim habang ₱380 sa kada kilo ng liempo, habang tumaas naman ang presyo ng baka na nasa ₱440 ang kada kilo.
Bahagya namang tumaas ang presyo ng galunggong na naglalaro sa ₱200 hanggang ₱240 depende sa laki, wala namang paggalaw sa presyo ng bangus na nasa ₱190 hanggang ₱200, habang tumaas naman ang tilapia na nasa ₱130 kada kilo.
Nagmahal naman ang presyo ng gulay tulad ng kamatis at carrots na nasa ₱120, talong na nasa ₱110 kada kilo, sibuyas na nasa ₱120 kada kilo, bawang na nasa ₱140 kada kilo, habang ang repolyo at pechay-Baguio ay kapwa nasa ₱60 kada kilo. | ulat ni Jaymark Dagala