Presyo ng kada tray ng itlog sa Pasig Mega Market, tumaas ng hanggang ₱20

Facebook
Twitter
LinkedIn

Lalo pang tumaas ang presyo ng itlog sa ilang mga pamilihan bunsod ng mataas na demand subalit kulang sa suplay.

Sa pag-iikot ng Radyo Pilipinas sa Pasig City Mega Market, kapansin-pansin na lumiit ang sukat ng ibinebentang itlog.

Ang dating ₱6 kada piraso, nasa ₱7.80 na ito ngayon, habang ang iba ay isinasara na sa ₱8 ang kada piraso.

Nasa ₱8.50 naman ang kada piraso ng medium size na itlog, habang nasa ₱9.50 ang jumbo size na itlog sa kada piraso.

Paliwanag ng mga nagtitinda, pahirapan ang suplay ng itlog partikular na iyong mga nanggagaling ng Batangas.

Bukod sa mataas ang demand dahil maraming lumilipat dito dulot ng African Swine Fever (ASF) sa baboy ay mataas din ang presyo ng patuka.

Katunayan, ilan sa mga nagtitinda ng itlog ang kinakapos na ng suplay at naghihintay pa ng delivery.

Bagaman mabili, bawas pa rin ang tubo ng mga nagtitinda dahil hindi nila magawang magpatong sa takot na walang tumangkilik ng kanilang mga paninda. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us