Malaki ang ibinaba sa presyo ng kamatis sa ilang pamilihan gaya sa Balintawak Market sa Quezon City.
Mula kasi sa dating bentahan na umaabot ng ₱145 kada kilo, ngayon ay naglalaro na lang ito sa sa ₱30-₱45 ang kada kilo.
Paliwanag ng isa sa stall owner, sobra-sobra ang suplay ngayon ng kamatis na ibinabagsak mula sa Nueva Vizcaya.
Posible pa aniyang bumaba ang presyo sa oras na mag-anihan na sa iba pang probinsya.
Maging sa tala ng DA Bantay-Presyo, bumaba na sa ₱60-₱80 ang bentahan ng kamatis maging sa ibang palengke sa Metro Manila. | ulat ni Merry Ann Bastasa