Bahagyang bumaba ang presyuhan ng manok sa Agora Public Market sa San Juan City ngayong araw.
Sa pagtatanong ng Radyo Pilipinas, may nagbebenta na ng ₱210 hanggang ₱215 ang kada kilo mula sa dating ₱220 ang kada kilo.
Pero ayon sa mga nagtitinda, hindi nagtatagal ang mababang presyo dahil tiyak kinabukasan ay babalik din ito sa mataas na presyo.
Binigyang-diin pa ng mga nagtitinda na hindi sila makapagbaba ng presyo lalo’t ikatlong kamay na silang binabagsakan ng mga produkto kaya’t mas mataas na ang patong dito.
Idagdag pa riyan ang mataas na singil sa renta sa palengke na lalong nagpapahirap sa kanila sa pagbebenta.
Samantala wala namang paggalaw sa presyo ng baboy na nasa ₱320 ang kada kilo ng kasim at ₱380 ang kada kilo ng liempo.
Sa isda, walang pagbabago sa presyo gayundin sa presyuhan ng baka. | ulat ni Jaymark Dagala