Muling umapela sa mga magulang at guardians ang Philippine Statistics Authority (PSA) na iparehistro sa National ID System ang kanilang mga anak na may edad isa hanggang apat na taong gulang.
Ayon kay PSA Undersecretary Claire Dennis Mapa, National Statistician and Civil Registrar General, tuloy-tuloy pa ang pagbubukas ng registration venues para maging madali at accessible para sa kabataan.
Samantala, nananatili pa ring bukas para sa mga Pinoy ang mga registration center sa buong bansa para sa mga nais pang magparehistro sa National ID System.
Maging ang mobile registration activities ay patuloy ding umiikot sa buong bansa para sa pagpaparehistro kabilang ang Geographically Isolated and Disadvantaged Areas (GIDA).
Hanggang Hulyo 12 2024, aabot na sa kabuuang 88,720,028 Filipino ang nakapagparehistro na sa National ID System. | ulat ni Rey Ferrer