Nagbabala ang Philippine Statistics Authority laban sa mga taong nag-aalok ng cash sa mga registered person kapalit ng kanilang Philsys o National IDs.
Ayon sa PSA,may natanggap silang reports tungkol sa ilang indibidwal na lumalapit sa mga registered person at kinukuhanan ng litrato ang kanilang National ID kapalit ng pera.
Pinapayuhan ang publiko na huwag i-share ang kanilang National ID nang hindi kinakailangan at ipakita lamang ito sa mga awtorisadong tauhan.
Ang pagiging mapagbantay anila ay mahalaga upang mapigilan ang pagnanakaw ng identity at pandaraya.
Manatili umanong may kaalaman at maprotektahan ang personal na impormasyon.
Dagdag pa rito na ang pagiging registrado o pagtanggap ng National ID ay hindi rin nangangahulugang makatanggap ng cash benefits mula sa pamahalaan at iba pang social protection programs
Ang mga benepisyo umano ay ibinibigay batay sa mga tuntunin at regulasyon ng kinauukulang ahensya. | ulat ni Rey Ferrer