Hindi sangayon si Pagulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa panawagan ng mga senador na suspindehin muna ang PUV Modernization progam.
Sa ambush interview sa Pampanga, sinabi ng pangulo na hindi minadali ang programa.
Katunayan, pitong beses nang pinakinggan ng pamahalaan ang apela ng mga unconsolidated PUV drivers and operators, at itong ulit na ring sinuspidende ang ikalawang phase ng programa.
“I disagree with them because sinasabi nila minadali. This has been postponed seven times, the modernization has been postponed for seven times and those that have been objecting or have been crying out and asking for suspension are in the minority.” —Pangulong Marcos
Sa kasalukuyan, 80% na ng mga ito ang nag-consolidate na at sumuporta sa pagsusulong ng PUV modernization program.
Kaya’t ang mga ito aniya ang pakikinggan ng pamahalaan. | ulat ni Racquel Bayan