QC Jail at COMELEC, nagpatupad ng special voters’ registration sa mga PDL

Facebook
Twitter
LinkedIn

Matagumpay na naisagawa ng Quezon City Jail Male Dormitory at Commission on Elections (Comelec) ang special voters’ registration sa mga Person Deprived of Liberty (PDLs).

Ayon kay Quezon City Jail Warden JSupt Warren Geronimo, kabuuang 534 na PDL ang nairehistro bilang mga botante ng lungsod Quezon.

Photo courtesy of Quezon City Jail – Male Dormitory

Bago ang voters’ registration, inihanda na ng jail facility ang lahat ng requirements at dokumento para sa parating na voters registration ng PDLs.

Mula sa filing sa COMELEC registration forms at sa paghahanda ng Certificate of Detention ng bawat PDL, para matiyak na lahat ng qualified registrants ay mapagsilbihan sa kabila ng limitadong schedule ng registration. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us