Tumanggap ng parangal si Quezon City Mayor Joy Belmonte bilang Natatanging Punong Lungsod sa Kalakhang Maynila mula sa kauna-unahang Quezon City Journalists Group Inc. (QCJI) Media Awards sa QCX Quezon City Memorial Circle.
Parangal ito na iginawad ng grupo ng mamamahayag sa Quezon City bilang pagpupugay sa dedikasyon sa serbisyo publiko ng alkalde.
Bukod kay Mayor Joy, kinilala rin sa QCJI Awards sina Vice Mayor Gian Sotto, at Majority Floor Leader Councilor Doray Delarmente.
Binigyang pugay naman ang mga Konsehal ng lungsod na nagpamalas ng sipag at tapat na pamumuno sa kani-kanilang mga distrito sa lungsod.
Kinilala bilang mga Natatanging Konsehal sina Councilors TJ Calalay ng District 1, Fernando Miguel “Mikey” Belmonte sa District 2, Wency Lagumbay ng District 3, Irene Belmonte ng District 4, Alfred Vargas ng District 5 at Banjo Pilar ng District 6.
Nagkamit naman ng parangal bilang mga Natatanging Bagong Konsehal sina Councilors Charm Ferrer, Dave Valmocina, Egay Yap, Aiko Melendez, at Vito Sotto samantalang tumanggap ng Seasoned Councilor award sina Councilors Goldie Liban at Eric Medina.
Nakatanggap ng Natatanging Ordinansa Award sina Councilor Alfred Vargas para sa kanyang Free QC Bus Ride Program Ordinance at Councilor Banjo Pilar para sa itatayong Tandang Sora Hospital.
Nagbigay din ng special awards ang QCIJ para sa mga masusugid na QC officials na sina QC Police District Director PBGen. Redrico Maranan, Chief of Staff Rowena Macatao, QC Business Permit and Licensing Department head Margie Mejia, Public Affairs and Information Services Department (PAISD) head Engelbert Apostol, PAISD Media Officer Rico Leus, City Treasurer Ed Villanueva, Philippine Amusement and Gaming Corporation Chairperson Alejandro Tengco at National Housing Authority Assistant General Manager Alvin Feliciano. | ulat ni Merry Ann Bastasa