QC Mayor Joy Belmonte, nanawagan ng kooperasyon ng mga business owner sa ikinakasang mpox contract tracing

Facebook
Twitter
LinkedIn

Hiniling ngayon ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang kooperasyon ng mga residente at business owners sa ongoing na contact tracing efforts kaugnay ng tinututukang kaso ng MPOX na nagtungo sa ilang establisimyento sa lungsod.

Sa isang pahayag, ipinunto ng alkalde na ginagawa lang ng pamahalaang lungsod ang responsibilidad para matiyak na protektado at ligtas ang lahat residente laban sa mpox.

Una nang ipinasara ng LGU ang Fahrenheit Cafe and Fitness Center (F Club) sa E. Rodriguez Sr. Avenue dahil sa hindi pakikipagtulungan sa contact tracing team na nagtungo sa establisimyento.

Giit ng alkalde, maituturing na banta sa kalusugan at kapakanan ng mga residente ang ganitong pagtanggi sa isinasagawag contact tracing efforts.

“Maagap ‘yung ginagawa nating pagtugon at imbestigasyon, pero napapatagal at nade-delay dahil ayaw makipag-cooperate,” pahayag ni Mayor Joy Belmonte. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us