Tiniyak ng Quezon City Government na wala pang bagong kaso ng African Swine Fever (ASF) sa lungsod ng Quezon.
Ito’y dahil sa preventive measures na patuloy na ipinatutupad ng lokal na pamahalaan.
Sa tulong ng Bureau of Animal Industry (BAI) may mga checkpoint na ring inilatag ang QC Veterinary Department sa Pearl Drive sa Commonwealth Avenue, Kaingin Road sa Balintawak, Mindanao Avenue, Tandang Sora Avenue, at Paang Bundok sa N.S. Amoranto.
Tinitiyak ng QC Veterinary Department at BAI na lahat ng hayop na dumadaan at pumapasok sa lungsod ay may mga dokumento upang matiyak na ligtas ito sa ASF.
Sa nakalipas na linggo, kabuuang 502 shipments ng baboy mula sa mga lalawigan ng Batangas at Quezon ang na-inspeksyon. Kabuuang 188 baboy na ang nakitaang positibo sa ASF.
Regular din ang inspeksyon ng mga city veterinarian sa mga palengke at groceries.
Kahapon, isang truck na naman na may kargang 30 baboy ang naharang sa checkpoint sa Mindanao Avenue ng tangkang ipasok sa QC. Isinailalim na sa blood test ang mga hayop upang malaman kung infected ito ng ASF.| ulat ni Rey Ferrer