Kinumpirma ni QC Traffic and Transport Management Department (TTMD) Head Dexter Cardenas na walang mga pasaherong nastranded sa lungsod kasunod ng transport strike na ipinatupad ng grupong Manibela at Piston.
Ayon kay Cardenas, maagang naideploy ang mga karagdagang Q City Bus libreng sakay sa lungsod para umalalay sa mga commuter.
May karagdagan ding mga e-trikes ang pinadala ng lungsod para sa mga lugar na may inaasahang strike.
Sa kabila nito, nagdulot naman ng mabigat na trapiko ang kilos protesta ng transport groups partikular sa kahabaan ng Quezon Avenue patungong Mabuhay Rotonda.
Dahil dito, rerouted ang trapiko sa Mayon St, DTuazon St, Dapitan St, P Florentino St patungong Maynila.
Dagdag na mga tauhan din ng Traffic and Transport Management Department (TTMD) ang nakadeploy para matiyak ang kaayusan at kaligtasan sa kalsada ngayong may tigil-pasada. | ulat ni Merry Ann Bastasa