Tiniyak ni OWWA administrator Arnel Ignacio na nakahanda na ang OWWA at DMW sa pagtugon sa tensyon ngayon sa Lebanon.
Sa panayam sa opisyal sa budget briefing sa Kamara, sinabi niyang mayroon nang Rapid Response Team na papunta ng Lebanon at mayroon na ring pondo na nakahanda para sa mabilis na pag-responde sakaling kailanganin na ang repatriation.
Iba pa aniya ito sa welfare officers ng OWWA na nasa Lebanon na para umagapay sa mga OFW doon.
Sabi ni Ignacio, mayroong 738 na humingi ng request sa kanila para sa voluntary repatriation ngunit may mga nagbabago ang isip.
Paliwanag ng OWWA administrator, dapat intindihin na mas kabisado na ng ating mga OFW ang sitwasyon sa Lebanon.
Gayunpaman, hindi aniya sila magpapakampante, at sila ay laging handa sa mga hihiling ng repatriation.
Maliban ito, sanay na rin naman aniya ang OWWA at DMW sa pagresponde sa mga ganitong sitwasyon.| ulat ni Kathleen Forbes