Inatasan na ng Department of Agriculture ang Sugar Regulatory Administration na silipin ang aktwal na volume ng lahat ng sugar products na pumapasok sa bansa.
Kasunod ito ng reklamo ng United Sugar Producers Federation (UNIFED) at iba pang sugar stakeholders kaugnay ng umano’y nakakaalarmang volume ng sugar premixes na umaabot sa 200,000 -300,000 MT kada raon na napupuslit sa bansa.
“This volume of sugar premixes represent about 4 million bags of sugar amounting to roughly P10 billion and the continued lack of regulation for these sugar based products is highly detrimental to the sugar industry,” UNIFED President Manuel Lamata.
Sa direktiba ni DA Sec. Tiu-Laurel kay SRA Administrator Pablo Azcona, iniutos nito ang pagimbestiga sa mga pumapasok na ‘other sugars’ gaya ng glucose, sucrose, maltose, dextrose, maltodextrin at lactose at kung kinakailangan na kumuha ng clearance para dito.
Nagpasalamat naman ang UNIFED sa mabilis na tugon ng DA at umaasang magiging prayoridad ito lalo’t malapit na naman ang susunod na milling season. | ulat ni Merry Ann Bastasa