Tuloy ang target ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na rehabilitasyon at pagpapatibay ng Guadalupe Bridge sa Makati.
Ayon kay DPWH-NCR Regional Director Loreta Malaluan, ongoing ngayon ang bidding sa mga materyales na kakailangin sa konstruksyon ng tulay.
Target pa rin ng DPWH na masimulan ito sa Setyembre o bago matapos ang 2024.
Ayon naman kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Acting Chairman Atty. Don Artes, bago isara ang Guadalupe Bridge ay hihintayin muna nila ang temporary bridge na itatayo rin ng DPWH.
Samantala, tuloy-tuloy na rin ang pagsasaayos ng Magallanes Bridge na isinasara lang tuwing gabi para hindi gaanung sagabal sa mga motorista.
Nanawagan naman si MMDA Chair Romando Artes sa mga motorista na habaan pa ang pasensya para sa ibang mga tulay na isinasailalim sa retrofitting. | ulat ni Merry Bastasa