Remittance mula BCDA, maaaring gamitin pondo sa pensyon ng militar
Ipinapanukala ngayon ng Department of National Defense (DND) na gamitin na lang ang Bases Conversion and Development Authority (BCDA) remittances para sa pension fund ng military personnel.
Sa pagsalang ng DND sa budget briefing ng Kamara, sinabi ni Defense Sec. Gilbert Teodoro na imbes na sa Armed Forces of the Philippines (AFP) modernization ay mailipat na lang sa pensyon ng militar ang kita ng BCDA.
Sa ilalim kasi ng RA 7917 o Bases Conversion and Development Act of 1992, 35% ng BCDA remittances ay gagamitin pampondo sa modernization projects para mapalakas ang ating AFP.
Ani Teodoro mula 1993 hanggang 2022 P45.6 billion lang ang nailaan ng BCDA sa modernization program ng AFP o katumbas ng average na P2 billion kada taon.
Aminado naman ang kalihim na hindi ito kalakihan kung ikukumpara sa average na funding requirement ng pensyon kada taon na nasa P67 billion ngunit malaking tulong na rin upang mabawasan ang pasanin ng gobyerno.
Sa ilalim na panukalang budget ng DND, mayroon P11.2 billion na alokasyon para sa pensyon ng mga military veterans.
“We also have proposed that the BCDA remittances be redirected to pensions. Look at the value of BCDA properties now in Clark, in Fort Bonifacio. The modernization program since the BCDA started, I believe in 1995, has only gotten 45 billion pesos in total. Or an average of almost only 2 billion pesos per year, which is minuscule compared to what we need. So we might as well just end the 45 billion, not even enough to service one year’s pension requirements of 67 billion. So we might as well just redirect it to help the pension burden because it does not make a difference with modernization.” Sabi ni Teodoro