Umakyat sa $3.21-B ang personal remittances mula sa mga Overseas Filipinos (OFs) para sa buwan ng June.
Mas mataas ito ng 2.5% kumpara nuong June 2023 na nasa $3.13-B.
Nagdala ito sa cummulative remittances mula January-June 2024 ng $18.10-B o umaabot sa one trillion pesos.
Ayon sa BSP ito ay dahil mas mataas na remittances na ipinadadala ng land-based workers na may kontrafa ng isa taon at mahigit, at sea- and land-based workers na may work contract ng hindi hihigit sa isang taon.
Ang pagtaas sa cash remittances ay mula United States (U.S.), Saudi Arabia, at Singapore. | ulat ni Melany Reyes