Inaprubahan na ng House Committee on Legislative Franchises ang pinag-isang panukala na layong gawaran ng panibagong 25-year franshise ang MERALCO.
Pangunahing may-akda ng panukala (HBs 9793, 9813 at 10317) sina House Committee on Ways and Means chairperson Joey Salceda, House Committee on Constitutional Amendments chairperson Rufus Rodriguez at House Committee on Energy chairperson Rep. Lord Allan Velasco.
Sa kasalukuyang prangkisa ng Meralco, pinahihintulutan ito na magtayo, mag-operate at mag-mentina ng distribution system para pagsilbihan ang mga bayan, munisipalidad at barangay ng Metro Manila, Cavite, Rizal, Batangas, Laguna, Quezon at Pampanga.
Ayon kay Salceda ito na ang isa sa pinakamahalagang private bill para sa industrial policy ng bansa.
Ito ay dahil sa Meralco ang nagpapailaw sa halos kalahati ng GDP ng bansa at 26% ng ating populasyon.
Natupad aniya ng Meralco ang responsibilidad nito sa ilalim ng kasalukuyan nilang prangkisa.
Giit pa niya, napatunayan na ng Meralco na ang maaasahang serbisyo nito ay nakakatulong sa paglago ng ekonomiya at pag-unlad.
“Using estimates from the PSA IO tables and data from the ERC on outages due to power supply by DUs, the country would gain a net GVA of P204.29 billion every year if all its ECDUs performed like Meralco. This is the fruit of some P220 billion MERALCO invested in reducing systems losses and system interruptions.” Sabi ng House tax Chief.
Positibo naman si Salceda na mabilis na lang uusad sa plenaryo ng Kamara ang naturang panukala.
“I expect the franchise bill to sail smoothly through the floor. The role of the franchise review process in Congress is to see whether a grantee has complied with its mandates. In this regard, there can be little question. MERALCO has fulfilled its end of the current franchise law.” Giit ni Salceda. | ulat ni Kathleen Forbes