Reporma sa RFID at toll system ng bansa, iginiit ng isang mambabatas

Facebook
Twitter
LinkedIn

Iginiit ni Northern Samar Representative Paul Daza na kailangan nang ireporma ang radio-frequency identification (RFID) at toll system sa bansa upang hindi maging dagdag pasanin ng mga motorista.

Sa isinagawang budget deliberation ng Department of Transportation (DOTr) sinabi ni Daza na hindi dapat maging “anti-people” ng teknolohiya, kung saan ang mga kababayan natin ang mahaharap sa mahigpit na multa at parusa sa pagkakamali habang ang mga expressway concessionaires ay ligtas sa kanilang mga kapalpakan.

Ginawa ni Daza ang pahayag nang ilabas ng Toll Regulatory Board (TRB) ang revised expressway guidelines, kung saan may kaakibat na multa kapag ang mga motorista ay walang valid RFID at load balance epektibo October 01.

Diin ng mambabatas, bagaman ito ay ipinapaliban mula sa orihinal na implementasyon na August 01, hindi pa rin ito sapat kung ang mismong expressway concessionaires ay hindi maayos ang toll collection system.

Aniya, dapat maging accountable ang concessionaires base sa ” key performance indicators” na itinakda ng TRB.

Sinabi ng lawmaker, kailangan magkaroon ng “clear formula” kung paano mapapanagot ang tollways base sa kanilang performance.

Samantala, ginagarantiyahan naman ni TRB Executive Director Alvin Carullo, na mas mabigat ang parusa at multa nila sa mga toll concessionaire kumpara sa mga motorista. | ulat ni Melany Valdoz Reyes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us