Sa kabila ng pagbilis ng inflation, bumagal naman ang rice inflation sa bansa.
Sa tala ng Philippine Statistics Authority, mula sa 22.5% noong Hunyo ay bumagal sa 20.9% ang rice inflation nitong Hulyo.
Ayon kay PSA chief at National Statistician Claire Dennis Mapa, tuloy-tuloy rin ang naitatala nitong pagbaba sa presyo ng regular, well-milled pati ng special rice sa mga nakalipas na buwan.
Inaasahan naman ng PSA na magtutuloy-tuloy pa ang pagbaba ng rice inflation kahit sa buwan ng Agosto.
Ayon kay Mapa, maaaring hindi na sumampa sa 20% ang rice inflation sa buwang ito.
Ito ay dahil na rin sa base effect at pati na ang posibleng epekto ng tapyas-taripa sa imported na bigas na mararamdaman ngayong Agosto. | ulat ni Merry Ann Bastasa