Humigit-kumulang 500 riders mula sa hanay ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Riding Community ang nagkaisa para sa “Ride for West Philippine Sea: Our Seas, Our Rights, Our Future.
Mula sa Metro Manila, umarangkada ngayong umaga ang mga riders papuntang Subic sa Zambales.
Ayon kay AFP Deputy Chief of Staff General Sean Gaerlan, nilalayon ng aktibidad na magpahayag ng suporta sa mga sundalo sa West Philippine Sea (WPS) kasabay ng pagdiriwang ng National Hero’s Day.
Dala nila ang mensahe na mapayapang itaguyod ang karapatan at soberanya ng bansa sa West Philippine Sea.
Bukod dito, nakatakda rin silang magbigay ng “Care Packages” sa mga sundalo sa Zambales para ipakita na kasama at suportado sila ng mga ordinaryong Pilipino. | ulat ni Rey Ferrer