Malaking tulong para sa mga jeepney driver sa Pasig City ang ipinatupad na tapyas-presyo sa mga produktong petrolyo ng mga kumpaniya ng langis epektibo ngayong araw.
Sa pag-iikot ng Radyo Pilipinas sa bahagi ng Amang Rodriguez Avenue, sinabi ng mga jeepney driver na biyaya ito lalo’t nagsimula na ang klase ng kanilang mga anak.
Dahil sa tapyas-presyo, madaragdagan na ang baon ng kanilang mga anak mula naman sa kanilang mga matitipid sa pagpapakarga ng diesel.
Epektibo ngayong araw, ₱0.20 sentimos ang bawas sa kada litro ng diesel, ₱0.10 sentimos naman sa kada litro ng gasolina, habang ₱0.45 centavos naman sa presyo ng kada litro ng kerosense.
Ito na ang ikaapat na sunod na linggong tinapyasan ang presyo ng diesel habang ikalawang sunod na linggo naman sa gasolina. | ulat ni Jaymark Dagala