Idineklara nang ligtas kainin ang mga isda at iba pang lamang-dagat mula sa limang coastal areas sa lalawigan ng Cavite.
Batay ito sa pinakahuling laboratory examinations na isinagawa ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources sa karagatan ng Bacoor City, Cavite City, Noveleta, Rosario, at Tanza.
Ayon sa BFAR, mula nang magkaroon ng oil spill sa Limay, Bataan noong Hulyo 25, patuloy na ang monitoring activities at analysis na ginagawa ng ahensya sa seafood products sa fishing areas ng Manila Bay.
Nananatili namang ligtas sa human consumption ang mga isda at lamang-dagat sa mga karagatan ng Bataan, Bulacan, Pampanga, Batangas, at Metro Manila, gayundin sa Naic, Ternate, Kawit, at Maragondon. | ulat ni Rey Ferrer