Sec. Galvez, nakiisa sa paggunita ng ika-75 anibersaryo ng Geneva Convention at Int’l Humanitarian Law Day

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagpahayag ng pakikiisa si Presidential Peace Adviser Secretary Carlito Galvez Jr. sa Sambayanang Pilipino at sa buong mundo sa paggunita ng ika-75 anibersaryo ng Geneva Convention at International Humanitarian Law Day.

Sa isang mensahe sinabi ng kalihim na ang okasyon ay nagsisilbing paalala sa kahalagahan ng pagprotekta sa sibilyang populasyon at non-combatants sa gitna ng armadong kaguluhan.

Kahanay ng tema sa taong ito na “75 Years of Commitment to IHL Awareness, Compassion, Peace, Progress: The Strength of IHL in the New Philippines,” tiniyak ni Galvez ang commitment ng pamahalaan na wakasan ang lahat ng kaguluhan, at pigilan ang lahat ng uri ng karahasan at pagusbong ng kaguluhan.

Sa obserbasyon ng IHL Month, nanawagan ang kalihim sa lahat ng mamamayan na magtulungan para mapalakas ang pagsisikap sa pagtataguyod ng karapatang-pantao, at pagtalima sa mga prinsipyo ng Saligang Batas ng bansa. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us