Nagbabala ang Securities and Exchange Commission laban sa Bagong Bansang Maharlika (BBM) International Inc. na patuloy na nanloloko sa publiko.
Maaalalang binawian ng corporate registration ang BBM International dahil nanghihingi ng investments at hanggang sa ngayon ay aktibo pa rin ang kanilang operasyon sa Visayas at Mindanao.
Kapalit ng umano’y investments sa kumpanya, nangangako ito ng food security, libreng edukasyon, hospitalization, cash assistance at livelihood sa lahat ng mga Pilipino.
Diin ng SEC, ang aksyon ng BBM International ay malinaw na paglabag sa Sec. 44 ng RA 11232 o Revised Corporation Code o RCCC.
Una nang nag-isyu ng advisory ang SEC laban sa BBM International noong August 28, 2023.
Nahaharap ang mga salesman, brokers, dealers o agent at promoters sa kasong kriminal, multa na aabot sa P5 milyon at pagkakakulong ng hanggang 21 taon. | ulat ni Melany Valdoz-Reyes