Sen. Bato dela Rosa, pabor na wag nang sumailalim ang mga pulis at sundalo sa drug at psychiatric test sa pagkuha ng lisensya ng baril

Facebook
Twitter
LinkedIn

Suportado ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa sa inilabas na memorandum ng Philippine National Police (PNP) na huwag nang pakuhain ng drug test, psychological, at psychiatric examination ang mga aktibong pulis at sundalo para sa pagkuha ng permit o lisensya para sa baril.

Ayon kay Dela Rosa, suportado niya ang naging hakbang na ito ni PNP Chief Police General Rommel Marbil dahil nagiging redundant lang para sa mga unipormadong tauhan ang pagkuha pa ng panibagong mga drug at neuro test para sa pagkuha ng lisensya ng baril.

Pinahayag ng senador na periodic o regular naman ang pagsasagawa ng drug test at neuro psychiatric evaluation sa mga pulis at sundalo kaya magiging “economically unwise” kung gagastos pa ulit ang mga tauhan ng PNP at Armed Forces of the Philippines (AFP) para rito.

Dagdag pa ng mambabatas, dahil dito ay ang mga may-ari lang ng mga testing laboratories ang kumikita at sayang lang ang perang magagastos ng mga pulis at sundalo. | ulat ni Nimfa Mae Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us