Nanawagan si Senate Committee on Women chairperson Sen. Risa Hontiveros sa Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) na agad nang ipawalang bisa ang lahat ng mga lisensyang ibinigay nila sa mga Philippine Offshore Gaming Oeprator (POGO).
Ito ay bilang pagtalima aniya sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na ipatigil na ang POGO oeprations sa Pilipinas.
Kinilala rin ni Hontiveros ang isang probisyon ng Republic Act 12010 o ang Anti-financial Account Scamming Act (AFASA) na nagpapahintulot sa pamahalaan na kumpiskahin ang lahat ng assets ng POGO para sa benepisyo ng mga dating manggagawa ng naturang industriya.
Kabilang na rin dito ang para sa rehabilitasyon ng mga victim survivor ng human trafficking, cyber scamming, human rights violations na nagtrabaho sa mga POGO.
Tiniyak ng senadora na masusi nilang imomonitor ang PAGCOR para kanselahin ang lahat ng POGO licenses na kanilang iginawad nitong mga nakalipas na panahon.| ulat ni Nimfa Asuncion