Sen. Joel Villanueva, umapela sa Malacañang na seryosong tutukan ang problema sa baha

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nanawagan si Senador Joel Villanueva sa Malacañang na tutukan rin ang problema sa pagbaha gaya ng pagtutok ngayon sa problema sa mga POGO.

Ang pahayag na ito ni Villanueva ay kasabay ng pagpapahayag ng pagkadismaya sa paulit-ulit na problema sa malawakang pagbaha na nararanasan tuwing may malalakas na pag-ulan.

Naniniwala ang senador na dahil sa patuloy pa ring nangyayari ang problema, unti-unti na rin aniyang nawawala ang tiwala ng ilan na masosolusyunan pa ang problema.

Pinunto ng senador na mayroong kabuuang budget na ₱1.44 billion kada araw ang Department of Public Works and Highways (DPWH), Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), Department of Environment and Natural Resources (DENR), at Commission on Climate Change.

Iginiit ni Villanueva na kung hindi pa rin mabibigyan ng kaukulang aksyon at matutukan ang problema ay baka mas mainam na ilaan na lang sa ibang mahahalaga ring programa o proyekto ang inilalaang pondo para sa flood control projects.

Ngayong araw, magkakaroon ng pagdinig ang Senate Committee on Public Works tungkol sa naranasang malawakang pagbaha sa Metro Manila at mga kalapit na lugar dulot ng nagdaang bagyong Carina at habagat. | ulat ni Nimfa Mae Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us