Minungkahi ni Senate Committee on Finance chairperson Senadora Grace Poe na saluhin ng PhilHealth ang natitirang payables o utang ng pamahalaan sa ating mga health workers.
Base sa datos na prinesenta ni finance Secretary Ralph Recto sa Senado, patuloy na lumalago ang net income ng PhilHealth sa nakalipas na mga taon.
Sa datos, mula P4 billion noong 2019; P30 billion noong 2020; P48 billion noong 2021; at umabot na ang revenue ng PhilHealth sa P79 billion noong 2022.
Sa pagtatapos ng taong ito (2024) ay inaasahang papalo sa P61 billion ang magiging net income ng state insurer ng bansa.
Ayon kay Poe, dahil sa laki ng kinikita ng PhilHealth ay dapat lang na ibigay sa ating mga health workers ang mga kompensasyon na dapat noon pa nila nakuha.
Umaasa rin ang senadora na patuloy na magiging episyente at madadagdagan ang benepisyo ng ating mga kababayan mula sa PhilHealth.| ulat ni Nimfa Asuncion