Nagpasalamat si Sen. Risa Hontiveros sa mga awtoridad ng Indonesia para sa pagkakahuli kina Shiela Guo at Cassandra Ong.
Ayon kay Hontiveros, ang ipinakita ng Indonesian authorities ay ‘decisive action’ sa pagpapatupad ng batas at pagpapanatili ng seguridad.
Pinapakita aniya ng development na ito na isang regional problem ang human trafficking na dulot ng POGO at na kinakailangan nito ng ‘regional’ at ‘global solution’.
Sinabi rin ng senador na mahigpit na binabantayan ngayon si Cassandra Ong dahil siya ang makapagbibigay linaw at makapagtuturo ng mga dapat managot sa mga totoong nasa likod ng POGO na Lucky South 99 sa Porac, Pampanga.
Kabilang na dito ang pagbibigay linaw kung ano talaga ang kinalaman ni Alice Guo, Harry Roque at ng iba pang mga pangalan sa naturang POGO hub.
Gayundin kung paano sila nakalabas ng bansa at sino ang tumulong sa kanila.
Umaasa rin si Hontiveros na makakadalo na sina Ong at Shiela Guo sa gagawing Senate inquiry sa Martes tungkol sa naging paglabas nila ng bansa. | ulat ni Nimfa Asuncion