Senate Sergeant-at-Arms, awtorisado nang bigyang seguridad ang mga senador

Facebook
Twitter
LinkedIn

Mayroon nang awtoridad ang Senate sergeant-at-arms na bigyang seguridad ang mga senador.

Ayon kay Senate President Chiz Escudero, ang naging kautusan na ito ay bahagi ng ginawa nilang pag-amyenda sa panuntunan ng Senado.

Sa ngayon ay pinag-aaralan pa aniya nila ang magiging parameters ng bago nilang panuntunan na ito.

Agad din namang nilinaw ni Escudero na napagdesisyunan nila ito sa gitna ng natanggap na banta ng ilang senador kasunod ng nagiging imbestigasyon sa kaso ni suspended Mayor Alice Guo at sa operasyon ng mga POGO.

Matatandaang una nang nag-report si Senador Sherwin Gatchalian sa Pasay City Police kaugnay ng natanggap nitong banta sa kanyang buhay dahil sa ginagawa nilang imbestigasyon sa mga POGO operation.

Bukod sa pagprotekta sa mga senador, binibigyang awtoridad na rin ang OSAA na magsilbi ng warrant sa mga pinapaaresto ng Mataas na Kapulungan. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us