Sa kabila ng mga lumutang na pangalan para sa senatorial slate ng administrasyon, binigyang diin ni National Unity Party President at Camarines Sur Rep. LRay Villafuerte na hindi pa ito pinal at ikokonsulta pa kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Sa panayam sa telepono kay Villafuerte, sinabi nito na may mga personalidad na iminungkahi ng bawat partido na dumalo sa pulong noong Lunes.
Kabilang sa mga pangalan ay sina dating Senate President Tito Sotto bilang chairman ng Nationalist People’s Coalition, Senator Bong Revilla ng Lakas-CMD na isang re-electionist gayundion si Sen. Francis Tolentino na bagong miyembro ng Partido Federal ng Pilipinas.
“ang presidente ng National People’s Coalition si Tito Sotto. So most probably kasama po siya dahil siya presidente po doon. Well, Camille Villar is a high-ranking official of the Nacionalista Party. Then of course, Bong Revilla is a high official of LAKAS and he’s running for re-election. So yun po yung mga common na napag-usapan eh. But other than that, I don’t want to pre-empt po kasi I think they’re planning to announce the common senatorial lineup either September 15 or the third week of September.” Pagbahagi ni Villafuerte
Sa panig anoya ng Nacionalista Party, kasama sa mga pangalan sina Deputy Speaker Camille Villar, Sen. Imee Marcos at Sen. Pia Cayetano na kapwa re-electionists din.
“Well, si ano po, Senator Pia is a member of the, ano, member of the… What do you call this? Nationalista Party. Then si, ano po, si, I understand that Senator Tolentino who is a member, new member of the Partido Federal is running for re-election… Imee Marcos… Of course, I think ano siya, she’s a member of the Nacionalista. But ano, sa akin kasi pag-member naman ng political party ng Part Alliance, most, ano na po yan eh. I mean… For me, in my opinion, ano na po yan, almost sure na po, na isasama po. But of course, let’s wait for the final announcement. I don’t want to preempt members of the Alliance and the President,” dagdag pa niya
Bukas naman ani Villafuerte ang Alyansa sa mga guest candidate o mga kandidato na walang partido. Ang mahalaga lang aniya ay kaisa sila sa adhikain ng alyansa.
“Pwede po mag-consider ng guest candidates, not member of the alliance, political parties. Meron po mga sinuggest but of course that will have to go through sa lahat ng members. But open naman po, non-party alliance members po,” saad ng NUP president
Inaasahan naman aniya na sa ikatlong linggo ng Setyembre pormal na i-aanunsyo ang admin senatorial slate. | ulat ni Kathleen Forbes